Friday, February 22, 2008

Ambulancia

Ambulancia


Directed by Richard Soriano Legaspi
Produced by Richard S. Legaspi

Ann Isabelle Matutina

Eloisa Espino-Sanchez
Written by Richard Soriano Legaspi
Starring Allan Paule

Nor Domingo
Cinematography Albert Banzon
Editing Anna Isabelle Matutina
Music Pam Miras
Production Design Sunny Completo

Grace Orbon

Benay Reyes
Ambulancia... a short film about an ambulance driver's twist of fate.
wow! twist of fate, hehehehehe!
the film was exhibited in last year's cinemanila young cinema night, and won the quisumbing -escandor film festival for short narrative.

ano ba ang masasabi ko sa short film na 'to? ewan ko kung magiging biased ang review ko dahil barkada ko ang writer/director ng ambulancia.

most indie films would leave you and render you numbminded kasi either they are too profound that only the filmmaker knows what's going on o kaya the film and the filmmaker tries to be profound na empty naman ang pelikula. this movie is not at all that, it doesn't try to be a very "deep" film na intellectuals lang ang makaka-get ng nangyayari. simple lang yung istorya, tapos kung mahilig ka sa mga twists and turns syempre di ka mabibigo sa short film na 'to. i am not sure pero ang alam ko ito yung first movie ni richard legaspi as writer/director at di naman nakaka-dismaya itong una nyang pelikula.
there's a mexican feel sa pelikula (o ako lang yun) yung mga gamit ng symbolisms at idols kasi dahil nga sa piyesta ng sto. niño. yung scenes sa pag-aayos ng karo ng sto. niño reminded me of the wedding preparation scenes sa Babel. siguro kaya feeling ko lang na may touch of mexican movie kasi may mga icons, tsaka yung kulay....

there was a time that i watched the movie pretending that i don't know the story at di ko kilala ang gumawa; yung medyo obscure lang sa kin ay yung conflict sa paggamit ng wang-wang... yung explanation nga kasi: may tetano yung sakay nilang pasyente at di dapat makarag... malinis naman yung pagkakagawa, wala lang gaanong eksplanasyon dun sa connection ng wang-wang at tetano. isa ko pang napansin ay yung bilis ng mga pangyayari, parang kung medyo slow ka sa paglunok mabubulunan ka na.
acting wise ok si allan paule at si nor domingo, kapani-paniwala talaga... siguro kung yung unang bet ni legaspi ang gumanap naiba ang atake, buti na lang si allan paule ang gumanap. pero yung paborito ko siyempre yung acting ni john rey legaspi (kindat!kindat!) syang-sya talaga yun, pati yung pag-inom ng mineral water na hindi naman sa kanya, hehehehe!

the movie would really blow you, yung emosyon dun sa komprontasyon ng mga characters nina allan paule at nor domingo mararamdaman mo talaga, lalo na dun sa binitiwan ni allan paule na ayaw nyang mamatay ang anak nya... kung sonic boom lang yung linyang yun basag na ang pc monitor ko. magaling!

ipinakikita sa pelikulang ito ang paghahalo ng pananampalataya at pagkamapamahiin ng mga pinoy, tsaka yung pagpapahalaga sa pamilya.

yung structure at pagkakasubod-sunod ng pelikula tamang-tama lang, di tulad ng ibang pelikula na nararamdaman mo na yung climax pero bibitinin ka kaya pagdating sa totoong climax napagod ka na, o kaya akala mo bitin ulit. tamang-tama lang yung pagtaas ng energy ng pelikula tsaka yung pagbaba ng energy sa dulo. the editing was good, hindi gaanong pinag-ekspirementuhan o ginamitan ng bagong style of editing para lang magmukhang trendy ang pelikula.

siguro malayo pa ang mararating ng pelikulang 'to at malayo pa ang mararating ni richard legaspi, hehehee... isama mo naman kami sa mga pangarap mo!





No comments: